Matinding depression ng anak
(Pang-masa) - September 27, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Dalawang beses nang nag-attempt na maglaslas ang anak ko. Gusto ko sanang ipatingin siya sa psychologist, pero ayaw niyang pumayag. Ayaw din niyang pag-usapan ang nangyari. Nakikiusap siyang kalimutan na lang daw ang nangyari. Ano ba ang puwede kong gawin para matulungan ang matinding depression ng anak ko?

Nanay Remy,

Dear Nanay Remy,

Huwag munang pilitin ang anak, pero huwag itong iwanan mag-isa. Maaaring makipagtulungan sa kanyang mga classmate, kaibigan, o barkada na kanyang napaghihingaan ng sama ng loob. Maaari isa sa kanyang kapatid kung kanino siya panatag ang loob.

Maaari rin sa kanyang guidance councilor na malaki ang maitutulong sa problema ng inyong anak. Hindi puwedeng bale­walain ang nangyari, dahil hindi malalaman ang ugat ng kanyang problema at kung paano ito mabibigyan ng solusyon. Huwag husgahan ang anak, kundi magpa­kumbaba na kunin din ang kanyang tiwala, upang lubos na matulu­ngan ang iyong anak.

Sumasainyo,

Vanezza

DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with