^

Para Malibang

Pagsisindi ng kandila

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Noong hindi pa naiimbento ang kandila, lampara ang ginagamit sa mga templo at simbahan. Sa Egypt unang naimbento ang kandila noong 3000 B.C.E.

Karamihan sa mga relihiyon ay tinatanggap ang nakaugaliang pagsisindi ng kandila habang nagdadasal. Ang pagsisindi ng kandila ay tinatawag na “act of devotion”. Ang debosyon na ito ay isa sa maraming paraan upang maabot ang Panginoong Diyos.

Mas effective kung papahiran ng oil (olive oil o pangkaraniwang vegetable oil na bagong bili) ang bagong biling kandila bago sindihan. Habang hinahaplos ng iyong kamay ang kandila, dapat ay nilalaro mo sa isip ang iyong wish.

Kung ang kahilingan mo ay makamit ang isang bagay, ang pagkuskos ng kandila ay clockwise (gaya ng pag-ikot ng relo). Ngunit kung ang kahilingan ay mawala ang isang bagay—halimbawa, mawala ang masamang ugali ng mahal sa buhay—counter clockwise ang direksyon ng paghaplos.

Tiyaga at matinding paniwala ang kailangan upang matupad ang pana­langin. Kung hindi kaagad matupad, huwag titigil sa pagdalangin. Kung titigil ka, para mo na rin sinabotahe ang sarili mong panalangin.

Ano ang nagagawa ng paggamit ng kandila habang nagdadasal?

Ang kandila ay simbolo ng kanyang panalangin.

Ang kandilang may sindi ay tumutulong upang maipokus ng isang nagdadasal ang kanyang isipan sa kanyang kahilingan.

Kung nakapokus ka sa iyong dinadasal, tumatagos hanggang puso ang iyong pagdalangin. Ang damdaming ito ang tumutulong para magkaroon ng katuparan ang isang kahilingan.

 

vuukle comment

KANDILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with