Zombie Family (208)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

TUWANG-TUWA si Herman matapos ang pakikipag-usap sa mga body parts ni Marga.

“Okay! Now I accepted you as my friends! Mga mabubuting mamamayan kayo dito sa isla!”

Pakiramdam pa niya ay parang ngumiti ang mga ito sa kanya.

Napatingala si Herman nang dumaan na naman ang tatlong surveillance helicopters ng gobyerno.

May nakita pa siya na foreign logo ng isang helicopter.

Ibig sabihin, pinasok na rin ng taga-ibang bansang media ang tungkol sa mga zombies ng Pilipinas.

Nabahala si Herman.

“Hindi ko sila makakausap dahil wala akong communication equipment. Gusto kong sabihin sa kanila na kung may masama man silang plano para sa mga body parts na ito ni Marga ay i-hold muna nila. Dahil hindi na kayo mga masasama. They are not dealing anymore with flesh-eating  zombies. Kundi nag-evolve na kayo into good beings. And I’m sure na kagustuhan ito ng Diyos.”

Nag-isip siya ng paraan kung paano makipag-communicate sa mga nasa helicopters.

Para maiparating ang update na nakakamangha.

“Ah, alam ko na.”

Pumuwesto si Herman sa isang bahagi ng aplaya na malinis at malapad. May hawak na siyang stick, isang maliit na bahagi ng puno na nalaglag.

At sumulat siya sa buhanginan.

HUWAG NINYO SILANG GAGALAWIN DAHIL HINDI NA SILA HARMFUL. MGA MABUBU­TING NILALANG NA SILA. SILA ANG MGA BODY PARTS NI MARGA NA HINDI NA DELIKADO PARA SA ATING LAHAT.

Mga higante ang mga letra.

Para mababasa ng mga nasa loob ng helicopters. At nabasa nga ang mga ito.

“What is he talking about? Anong okay na, anong hindi na delikado ang mga ‘yan? Mga bahagi ng katawan ng zombie na si Marga na nag-multiply, lumaki … tapos sasabihing wala nang delikado! Mga mababait na ang mga ‘yan?”

“Baliw na ang taong ‘yan! Kita naman natin, kinakausap na ang mga body parts!”

“Well, can’t blame him. Dahil nga naman sa tagal na niyang nakasama ang isang mamamatay-zombie at nakikipagtalik pa, mababaliw nga siya!”

- ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with