‘Devil’s Tree’
(Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

Sa Bernards Township, New Jersey, may isang puno raw sa gitna ng isang palayan doon na 200 years old na ang tanda. Bukod dito, may makikita pa naman daw na mangilan-ngilang mga bahay, ‘yun nga lang ay hindi pa natapos gawin ang mga ito, hanggang sa inabandona na lang.

Ayon sa alamat, ang nag-iisang puno raw na ito ay nahahawig sa kamay ng patay, kaya naman tinawag nila itong Devil’s Tree, pero may iba pa raw palang dahilan ang pangalan nito.

Hindi na raw mabilang ang mga nakakapangilabot na kuwentong nakapaloob sa punong ito, isa na rito ang naranasan ng mga farmer noong early 1900s.

Noong mga panahon daw na iyon, ang lupang kinatatayuan ngayon ng nasabing puno ay ginagamit nila bilang taniman din ng mga palay.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang isa sa kanilang kasamahan ay dumadaan na pala sa matinding depresyon.

Isang araw, inaya nito ang kanyang buong pamilya para mag-picnic diumano sa ilalim ng puno, at doon niya ginawa ang kahindik-hindik na krimen. Pinatay niya ang mga ito isa-isa gamit ang palakol.

Dahil sa hindi na kinaya ng kanyang konsensya, umakyat siya sa itaas ng puno at saka nagbigti.

Hanggang ngayon, ayon sa mga bumibisita sa Devil’s Tree, nakakakita pa rin daw sila ng parang anino ng isang lalaking nakabigti.

TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with