^

Para Malibang

Seafood Bicol Express

BURP - Koko - Pang-masa

Napakadali lamang iluto ang seafood Bicol express dahil ‘di tulad ng karaniwang Bicol express na pork ang main ingre­dient, seafood ang gagamitin natin ngayon.

Tiyak na mapaparami ka ng kanin kapag ito ang ulam mo.

Perfect ang dish na ito kung ikaw ay nagmamadali dahil mabilis lamang itong iluto.

Sa dish na ito, kailangan lamang ang mga sumusunod:

1/2 kilo ng tahong

1/4 kilo ng pusit

½ kilo ng hipon

2 cups ng gata

2 tablespoons bagoong alamang

luya

bawang

sibuyas

anim hanggang sampung piraso ng siling haba

paminta

cooking oil

Paraan ng pagluluto:

Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas, at luya ng tatlong minuto.

Ilagay ang bagoong ala­mang at lutuin ng li­mang minuto.

Sunod na ilagay ang gata at sili. This time, kailangang ilagay sa katamtamang lakas ang apoy. I-simmer ito ng hanggang walong minuto.

Sunod na ilagay ang seafoods (hipon, pusit, tahong). Bantayan mabuti ang mga tahong na hindi bumukas at itapon ito. 

I-simmer ito hanggang sa maluto ang seafoods.

Lagyan ng paminta at asin depende sa panlasa.

Burp!

vuukle comment

SEAFOOD BICOL EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with