Teenager pinatay ang kapatid dahil sa wifi password!
(Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Nasentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang isang teenager matapos diumanong mapatay ang sariling kapatid dahil lang sa pinag-awayang WiFi password.

Nahatulang guilty si Kevon Watkins na 16 years old lamang ng mga panahong yun dahil sa pagpatay sa kapatid na si Alexus Breanna Watkins, 20, sa kanilang tahanan sa Macon, Georgia. Sinakal niya raw ang biktima.

Ayon sa report, pinalitan daw ni Kevon ang password para hindi na makagamit ang kanyang ina at mga kapatid. Gusto raw kasi nitong makapag­laro ng online games ng walang sagabal.

Dahil sa ginawa, nagkasagutan sila ng kanyang ina, hanggang sa sumali na sa usapan si Alexus dahil sa takot na baka saktan ito ni Kevon.

Agad daw na sinakal ng huli ang biktima. Sinubukan daw ng nanay na awatin sila pero hindi niya mapigil si Kevon, kaya naman tumawag na siya ng pulis.

Dalawang beses daw silang humingi ng saklolo, ang una ay mula sa bunso nilang kapatid.

Pagkatapos ng 15 minutes daw ang itinagal bago pakawalan ni Kevon mula sa pagkakasakal ang kapatid, nang tanungin naman daw ito kung bakit hindi niya agad tinanggal, wala raw itong maisagot.

Sinubukan pang i-revive si Alexus at dinala pa sa ospital, pero namatay din ito nang gabing iyon dahil sa asphyxiation.

Si Alexus ay may tatlong taong gulang na anak at ikakasal na sana nang bawian siya ng buhay.

WIFI PASSWORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with