Pagbabago ng panahon sa mag-asawa
(Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Sa bawat buhay at relasyon ay gaya ng panahon na nagbabago. Hindi naman palagian na masama ang dating. Karaniwan ng paglago at pag-stretch ay dumara­ting sa mga seasons na hindi nai-enjoy.

Madalas, sa pagpasok sa pag-aasawa ay kagaya ng season na springtime kung saan ang bawat tagsibol ay pag-usbong ng mga sariwa, green, at blooming na panahon. Hanggang sa realidad na ang buhay ay nagdadala rin ng ibang klase ng season kina wifey o hubby.

Pero ang pagbabago sa mag-asawa ay hindi na bago o kakaiba. Lahat ng relas­yon sa mag-asawa ay nakararanas din ng ganitong mga panahon.

Ang challenge ay kung paano matutunan malampasan ang iba’t ibang seasons na dala ng mga pagbabagong uri ng panahon.

Katulad ng season sa bawat weather, nararamdaman na biktima ang relasyon sa malamig na panahon. Kahit sino ay gustong lumipas agad ang taglamig na panahon, kung kaya minsan ay kailangan ng trip kung saan mainit ang season.

Pero mahalaga na patuloy na i-work out ang mga chilly season ng marriage kahit hindi ganun kadali gaya ng pag-book sa beach sa pagbabakasyon. Ang ibalik ang buhay mula sa malamig at namamatay na relasyon ay nangangailangan nang matinding effort upang mapanatiling buo at matatag na ma-work out ang pagsasama nina misis at mister bilang mag-asawa.

 

RELASYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with