Nabuntis na GF Ayaw Magpakasal
Dear Vanezza,
Nabuntis ko ang GF ko, kahit wala sa plano ay willing akong magpakasal kami. Ang problema ay kung kailan kami magkakaanak ay saka siya nagdedesisyon na maghiwalay kami. Pangarap ko pa naman ang magkapamilya na hindi ko naranasan dahil galing ako sa broken family. Gusto niya ay huwag na kaming magkita at hindi raw siya manghihingi ng sustento mula sa akin. Mahal ko ang GF ko at ang magiging baby namin. Ano po ang gagawin ko? – Rainer
Dear Rainer,
Marahil ay hindi pa handa ang iyong GF na magkapamilya. Kaya kahit mag-isa ay gusto niyang buhayin ang iyong anak. Puwedeng muling kausapin ang GF na maaring hindi na kayo magkarelasyon, kundi kahit man lang magkaibigan para sa kapakanan ng iyong anak na lalaking hindi ka makikilala bilang ama.
Sumasainyo,
- Latest