Aggressive o Submissive na Partner?
“Mas gusto ko ‘yung babaeng submissive. Ako na ang bahalang magsilbi para sa kanya. Gusto kong relax lang siya habang ipinapadama ko kung gaano ko siya kamahal...” - Edgar, Cabanatuan
“Pantay lang. Parang pagmamahalan... Give and take lang. Depende sa isa’t isa kung sino ang taya. Siyempre depende rin sa mood ng bawat isa sa amin. May time kasi na medyo tinatamad ka o yung misis mo. So ikaw ang mag-a-adjust. Hindi naman na isyu yun kung kilalang-kilala n’yo na ang isa’t isa at komportable sa isa’t isa.” - Renzo, Surigao
“Napaka-usual na kasi na puro lalaki na lamang ang nagpapakahirap. Parang mas challenging ang babaeng dominant. Bihira kasi ‘yung ganun. Kaya kapag nakakilala ka ng babaeng dominant, hindi na dapat pakawalan.” - Gerwin, Manila
“Submissive na babae ang preferred ko. Mas nakaka-inlove kasi mas lumalabas yung feminine side nila. Saka uplifting siyempre para sa akin yun dahil alam kong mahal na mahak niya ako para i-submit nang buo yung sarili niya.” - Raven, Iloilo
“Kahit ano... Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo naman na kailangan isipin yun dahil kusang lumalabas yun sa body language n’yo. Hindi yun nadidiktahan.” - Ruben, Valenzuela
- Latest