^

Para Malibang

Benepisyo ng sunflower seed oil

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Isa ka ba sa nagtataka kung anu-ano ba ang be­nepisyo ng sunflower seed oil?

Ang sunflower ay ­unang ginamit ng American Indian tries noong 3000 B.C.

Ginamit ito ng mga tribo upang pagalingin ang kagat ng ahas at para mapalambot ang kutis at buhok.

Pero pagdating sa skin­care ngayon, ang sunflower seed oil ay hitik sa Vitamin E, mayaman sa nutrients, antioxidants at epektibo ring panlaban sa acne, pamumula ng balat at maging sa pagkairita nito.

Narito ang ilang benepisyo ng paggamit ng sunflower oil.

Mayroong emollient properties ang sunflower seed oil na tumutulong upang mapanatili ang lambot ng kutis.

Sagana ito sa Vitamin E na tumutulong upang ma-“trap” ang moisture sa skin cells kaya mas matagal na hydrated ang inyong katawan.

Mayaman ang sunflower seed oil sa Vitamins A, C, at D kaya naman epektibo itong panlaban sa acne.

Mapapabagal nito ang signs of aging at mas mai-improve ang elasticity ng ating balat. Epektibo itong pampalambot ng kalyo sa paa dahil mayroong itong calming properties. Tumutulong din ito upang maalis ang dead cells at iba pang impurities.

vuukle comment

SUNFLOWER SEED OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with