Chinese pineke ang passport ng Pinoy
(Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

May isang seaman na 20 years nang nagbabarko na nagbakasyon sa ‘Pinas last January ng taong ito. Nagpa-renew ito ng passport last February pero na-deny. Laking gulat ng seaman dahil ibang picture ang nakalagay sa kanyang record sa DFA ng passport nito. Mukha ng isang Chinese na lalaki ang naka-post sa record nito, pero gamit ang kanyang pangalan, age, address, at iba pang pagkakakilanlan nito.

Nag-sumbit uli ng bagong credentials ang seaman upang patunayan na siya ang tunay na may-ari ng passport record at hindi ang fake na Chinese na taong ninakaw ang identity ng Pinoy.

Inabot pang ilang buwan na hindi nakaalis ang pobreng seaman na nabaon sa utang dahil sa hindi nakasakay ng barko. Naapektuhan din ang budget ng kanyang pamilya. Buwan pa ng Mayo bago nakasampa uli ng barko ang seaman bago naayos muli ang kanyang passport.

Ayon sa DFA, talamak diumano ang ganitong kaso na inside job na ginagawa ng mga Tsino para makapasok sa ‘Pinas lalo na ang mayroong criminal records na Chinese.

PASSPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with