Kaluluwa ng isang killer, gusto pa ring pumatay hanggang sa kabilang buhay!
(Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

September 23, taong 1956, nang magkakilala sina Raymond Snowden at Cora Dean, nagluluksa ang huli dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa kaya naman naisip nitong libangin ang sarili sa pamamagitan ng paglalasing at pagsusugal.

Matapos nang pagkakakilala nilang iyon, natagpuang patay si Dean na laslas ang leeg at may 35 na tama ng saksak.

Agad na hinuli si Snowden dahil siya ang huling kasama ng biktima at umamin din ito na hindi lamang basta pagpatay ang ginawa niya kay Dean, pinagsasaksak din niya ito hanggang sa spinal cord na halos magkadurog-durog na. Kung ano man ang kanyang dahilan – walang nakakaalam.

Nahatulan ng bitay si Snowden noong October 18, 1957 sa pamamagitan ng pagbigti. Sa kamalasan pa ay marupok ang nagamit na lubid kaya hindi agad nabali ang kanyang leeg, kinailangan pa niyang maghintay ng bente minutos para mamatay.

Simula nang siya ay bitayin, hindi na natahimik ang kanyang kaluluwa. Marami ang nagsasabing nasa Old Idaho Penitentiary pa rin siya at pagala-gala.

Madalas din daw managinip ang ibang mga preso na may sumasakal sa kanilang isang lalaki.

Maraming paranormal investigation team na ang nagpunta sa kanyang area at may mga nai-record daw silang mga malalalim na pagtawa at pagsigaw. Meron ding nagsasabi na nakikita nila ang aparisyon ni Snowden na naglalakad sa mga selda.

Ngayon, ang nasabing kulungan ay isa nang museum. Pero ang selda ni Snowden ay hindi ginalaw, madilim pa rin ito tulad ng dati, naghihintay sa kanyang pagbabalik.

RAYMOND SNOWDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with