Trahedya ng mga teenagers
(Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

Ang best na paraan upang malaman ang pinagdaraanan ng teenager ay alamin ang iba’t ibang sintomas ng depression at kung paano ito ma-develop.

Mahalaga na maintindihan ang totoong depresyon kung biochemical o neurohormonal na proseso na kadalasan ay mabagal ang pag-develop na puwedeng sa ilang linggo o buwan.

Tulad ng withdrawal na isang miserableng sitwasyon sa teenager na lumayo sa kanyang mga kaibigan. Nagpapalala pa ng sitwasyon na hindi lang basta nito iniiwasan ang kanyang mga peers, kundi siya mismo ay inihihiwalay ang sarili na may poot sa hindi kaaya-ayang paraan.

Ang resulta, ang teenager ay mas lalong nalulungkot. Dahil sa paglayo sa kanyang mga kaibigan ay napapasama ito sa ibang mga hindi wholesome na indibidwal. Unti-unti na itong tumitikim ng drugs o napapasama sa trouble na mas nakatatakot na sitwasyon.

Kapag napahaba ang boredom na set sa teenager ay marami pang puwedeng ma-develop. Ang mental at physical na sakit sa ganitong stage  ay puwedeng nakakatakot na hindi na kayang tiisin ng teenager. Kapag hindi na ma-tolerate ang hindi malamang pinagdadaanan ng teenager ay nagiging desperadong gumawa ng miserableng bagay. Sa kabila nito ay hindi aware ang teenager na siya ay depress.

Ang kakayahang magtago ng teenager sa kanyang denial ay akala ng magulang ay totoo, kaya mahirap magkaroon ng suspetsa ng depression hanggang mangyari ang masaklap na trahedya sa anak.

DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with