^

Para Malibang

Majica Blanca

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Noong araw ay mahilig magsagawa ang mga tao ng majica blanca (white magic) at majica negra (black magic) upang ang kanilang mga kahilingan ay matupad. Kadalasan ay majica negra ang ginagamit ng mga mangkukulam. Ang mga good witch naman ang nagsasagawa ng majica blanca. Narito ang ilan sa mga majica blanca na nabasa ko sa isang libro:

Para suwertehin at lumakas ang charm sa ibang tao: Kung gusto mong gumaan sa iyo ang loob ng bagong kakilala—lihim mong itikom ang iyong kanang kamao kung saan nasa loob nito ang hinlalaki. Ipasok sa bulsa ang nakatikom na kamao habang nakikipag-usap sa tao. Gawin din ito habang nagsusugal upang suwertehin.

Para ikaw lamang ang mahalin ng iyong misis o girlfriend: Kumuha ng balahibo sa bandang buntot ng tandang. Idiin mo (pero huwag mo namang susugatan) ng tatlong beses ang dulo ng balahibo sa palad ng iyong misis. O, kaya, magpatuyo ka ng dila ng pawikan. Lihim mo itong ilagay sa iyong bibig at saka makipaghalikan sa babaeng minamahal.

Para mabigyan ng hustisya ang taong pinatay: Unang gawin ay hanapin muna ang anumang bakas (foot print, finger print) na iniwan ng kriminal. Kunin ang damit na suot ng biktima nang siya ay patayin. Ipako ito sa bakas na naiwan ng kriminal upang hindi ito masyadong makalayo. Magkakaroon ng dahilan para hindi makaalis ang kriminal sa kanyang pinagtataguan hanggang sa mabisto ng awtoridad ang kinaroroonan niya.

Para magtagumpay sa larong baraha: Patuyuin sa araw ang puso ng isang paniki. Talian ito ng pulang sinulid pagkatapos ay itali sa iyong kanang kamay. Susuwertehin kang manalo sa lahat ng larong may kaugnayan sa baraha.

vuukle comment

MAJICA BLANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with