^

Para Malibang

Zombie Family (175)

Gilda Olvidado - Pang-masa

HINDI napigil ni Herman ang balance ng katawan. Dahil napaigtad ang head ng task force nang tamaan ito ng mga lumipad na dahon.

At natumba ang dala­wa.

Parehong tumama ang mga likod sa buhanginan.

Walang naramdaman si Herman kahit anong kumagat sa kanya.

Wala rin namang naramdaman ang head.

“Herman, safe tayo dito! Kanina pa tayo na­pahiga dito sa buhangin pero walang kumagat sa atin!”

“Sana nga. Pero nabali yata ang balikat ko nang bumagsak tayo, e. Ang sakit.”

“Para ring masama ang tama ng balakang ko sa buhangin. Teka muna, hirap pang tumayo.”

“Baka hindi kita mapapasan, Sir. Mukhang masama ang pagkabalinghat, e.”

“Hindi bale. Safe naman. Walang mga pira-pirasong Marga. Kailangang pumunta na tayo sa dagat para makasampa na sa mga debris at maanod sana tayo sa gitna ng dagat.”

“At merong makakakita sa atin na mga sasakyang dagat.”

Parehong malaki ang pag-asa ng dalawa.

Nagpumilit tumayo ang head ng task force.

Si Herman din, kahit namimilipit sa sakit ang kanang balikat, nakatayo naman.

Sabay na sana silang lalakad papunta sa dagat.

Nang biglang napaigtad at napasigaw ang head ng task force. “AAAHHHHH!”

“Sir, bakit?”

“Kinakagat ako! Kinakagat ang mga paa ko! Nandidito na ang mga pira-pirasong Marga, Herman!”

“Ha?”

“Utang na loob, Herman! Tulungan mo ako!”

Hindi nagdalawang-isip si Herman kahit napakasakit pa rin ang pilay sa balikat.

Lumuhod siya para makasampa sa kanya ang head. Madali namang sumampa ang head pero duguan na kaagad ang dalawang paa nito na may mga military boots pa.

Ang mga boots ay gula-gulanit, halatang matitin­ding kagat ang ginawa dito. ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with