Vegan lipstick
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Nauuso ngayon ang mga make up na vegan o cruelty free. Mas aware na kasi ang mga tao sa inilalagay nila sa kanilang mukha.

Walang makakapag-isip na ang lipstick na paboritong gamitin ng mga kikay ay mayroong cochineal extract, o dinurog na red bug o pulang salagubang na matatagpuan sa Mexico at South America.

Fiftieth century pa lang ay ginagamit na ang cochineal bilang pangkulay partikular na sa mga damit. Mayaman kasi sa kulay ang mga insekto na ito kaya kahit advanced na ang teknolohiya natin ay marami pa rin ang gumagamit nito.

Hindi natin agad ma­lalaman na mayroong cochineal sa ating lipstick dahil ang makikita sa ingredients ng paborito na­ting kolorete ay “carmine,” “natural red 4,” o “crimson lake” imbes na cochineal.

Maraming allergic sa cochineal pero ganun pa man, aprubado ito ng FDA (Food and Drug Administration).

Habang tumatagal nga ay dumarami na rin ang mga manufacturer ng vegan lipstick mula sa mura hanggang sa pinakamahal. Ilan sa mga brand na ito ay ang BH cosmetics, Nars, Inglot, NYX at Kat Von D.

VEGAN LIPSTICK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with