Kumplikadong depression ng anak
(Pang-masa) - August 12, 2019 - 12:00am

Ang adolescent depression ay komplikado, tuso, at mapanganib. Kumplikado bunga ng maraming dahilan at effects. Tuso dahil halos walang bakas ng lungkot o problema kaya hindi ma-detect sa teenager hanggang mangyari ang trahedya. Ito ay dangerous dahil ang depression ay maaaring magresulta ng pinakamasamang puwedeng mangyari mula sa school failure hanggang mag-suicide.

Ilang mga teenager na ang nagtangkang saktan ang sarili o sumubok na mag-attempt ng mag-suicide. Maraming  magulang at kaibigan na nagugulantang sa pagka-shock na hindi makapaniwala sa masaklap na desisyon ng teenager. Ang paniwala nila na okey lamang ang anak na hindi nahulaan na hindi pala ito masaya.

Ang teenager depression ay mahirap malaman dahil ang symptoms ay iba sa mga classical na sintomas sa adult depression. Maaaring kumikilos ng normal ang teenager, pero may nakatagong depression sa anak.

Ang  mild depression ay gumagalaw ng normal na walang senyales ng pinagdadaanan. Pero ang manifestation ay nasa kanilang fantasies, daydreams, o kahit sa kanilang panaginip.

May ilang professional na kayang ma-spot ang nakararanas ng depression.

 

DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with