Zombie Family (149)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

NATUWA naman si Laurice sa alok  na tulong ni Nikolai. “Baka puwedeng mapagbigyan ako na madalaw sila kahit three times a week. At makatawag para malaman ang pang-araw-araw na lagay nila. Parang bilang bilanggo, parang pag-aari na sila ng gobyerno, ‘di ba? Sana naman di lang sila pag-aaralan kundi gagamutin din para maging normal na tao uli.”

“Don’t worry. Hihilingin ko na bibigyan ka ng easy access sa mga bata, Laurice. Na hindi ka lilimitahan sa pagdalaw. And then, katulong mo ako na makikiusap sa kanila na hindi lamang for study ang dalawang teenagers. Kundi for cure din ang kanilang pagkaka-detain sa medical prison na iyon. Because they deserve that.”

“Maraming salamat, Nikolai. Uuwi na muna ako sa bahay namin and then will keep in touch with you.”

“Sure. Aasahan ko, Laurice.”

Habang sakay na si Laurice sa kanyang kotse papuntang bahay, nadi-disturb ang thoughts niya kay Nikolai.

Napakaguwapo nito pero iyung tipong hindi conscious sa kanyang kakisigan.

Very gentleman.

Caring. May puso. Dama niya iyon.

Matagal na rin siyang walang kahit kaibigan man lang na lalaki. At least with Nikolai around lalong lalakas ang loob niya.

May makokonsultahan siya ng mahirap na sitwasyon tungkol sa dalawang kabataang zombies.

Naaalala na naman niya ang asawang si Herman. Talaga bang hindi na ito uuwi?

Kailangan nang samahan habang buhay si Marga? Hindi ba kung ganito para na ring ang pinili na talaga ng kanyang asawa ay ang kabit nitong zombie.

Para na namang pinipiga ang puso ni Laurice sa sobrang sama ng loob. Ang tawag sa kanya sa mga diyaryo at social media ay ang asawang inabandona ng asawa dahil sa kabit na zombie.

She is so pathetic. Kung hindi lang siya strong personality baka bumigay na siya sa panlalait ng mga tao.

Kaya puwede bang huwag na lang siyang ma-guilty sa kung sakaling mabubuo na friendship nila ni Nikolai?

Friend lang naman. And she deserves a friend.  ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with