Self-control ng teenager
(Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Habang ang bata ay papunta sa teenage years, ang disiplina at training ay unti-unting mababago mula sa kontrol ng magulang. Base na rin sa tiwala ng mga magulang sa pagbibigay ng privileges, freedom, at tiwala sa anak.

Nung bata pa ang anak ay kaunti lang ang alam nito sa judgement kung paano harapin ang isang sitwasyon kung kaya ang magulang ang halos umaako ng responsibilidad  para kung paano rin dapat mag-behave ang anak.

Habang ang anak ay tumutungtong sa preadolescent at nakararanas ng drive na maging independent. Sumusubok ang anak na mag- exert ng kontrol sa pagdedesisyon ayon sa kanyang behavior.

Kailangang i-work out ng magulang na maging smooth ang transition na hindi maging traumatic sa  anak hangga’t maaari. Sa ayaw o gusto ng magulang eventually ang anak ay magiging independent na normal lamang. Kaya mas magiging madali kung tatanggapin ng magulang ang sitwasyon. Malalaman ng magulang na puwede nang pakawalan ang anak ay dahil sa best na indikasyon na ang abilidad ng anak na hindi na kailangan ng kontrol mula kina tatay at nanay dahil ang  teenager mismo ay may self-control na sa kanyang behavior.

TEENAGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with