Pressure at stress ng anak sa school
(Pang-masa) - July 20, 2019 - 12:00am

Madalas ay nalulunod ang mga anak sa pressure at stress sa rami ng assignment. Matutulungan ang anak kung ibi-breakdown ang kanyang gagawin. Tulungan ang anak na magdesisyon kung anong priority na homework, ilang pages, kung paano niya gagawin, at kung ilang oras.

Kung na-organize na ang mga small bites na activities, turuang ilagay sa kalendaryo ang target dates nito kung kailan ipapasa ang project o takdang araw ng test ng anak. Upang araw-araw ay ma-target ang estudyante ng kanyang goals. Kung kinakailangang bilhan ang anak ng white board para siya mismo ang magsulat ng kanyang mga gagawin.  Kung hirap ang anak sa isang subject gaya ng Math, Science, o English makatutulong na kumuha ng tutor. Huwag manghinayang sa gastos na bayad sa tutor lalo’t kung hindi expert ang magulang sa mga nabanggit na subjects. Kung nakikita ng anak na walang budget ay mahihiya itong magsabi sa magulang. Makatutulong na tanungin si teacher sa concept ng subject o manghingi ng tulong sa kapatid o ibang miyembro ng pamilya sa bahay na may alam sa assignment ng anak.

SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with