^

Para Malibang

Zombie Family (146)

Gilda Olividado - Pang-masa

AT NANG wala nang lakas si Herman dahil sa ilang beses na pakipag-lovemaking kay Marga, huwag lang nitong habulin ang barko at patayin ang mga tao roon, hinimatay si Herman.

Napunta sa ilalim ng tubig.

Agad din namang sumunod doon si Marga.

Pero nakasabay niya sa paglapit kay Herman ang isang higanteng pating.

Dahil si Herman ang buhay, may laman pa at dugo, sa kanya naging intresado ang pating.

Hindi nga lang agad makagat si Herman dahil wala naman itong sugat. Parang tinatantiya pa ng pating kung masarap nga ba itong kainin.

Si Marga naman na ngayon lang nakakita ng dambuhalang isda bilang zombie, natitigilan din habang nakalutang sa ilalim.

Hindi alam kung paano labanan ang ganoon kahiganteng nilalang sa dagat.

Nakabukas ang bibig ng pating, kita ang napakaraming mga matatalas na ngipin.

Si Herman na walang malay pa rin ay pababa nang pababa sa pusod ng dagat.

Parang alam ni Marga na malapit nang mamamatay si Herman dahil walang nahihingang hangin.

Habang bumababa rin siya sa pusod, kita ang mga basurang plastic na lumulutang.

Ang mga tanim sa ilalim ng dagat ay halos patay na rin sa bahaging ito.

Kaya di tulad doon sa isla na hindi makapasok ang zombie sa loob ng maliit na gubat na puno ng mga buhay na buhay at sariwang tanim, dito sa ilalim ng dagat na sinisira na ng mga pagpapabaya ng tao, nakaka-survive ang zombie. May amoy na ng pagpapabaya sa ilalim ng dagat at ito ang gusto ng zombie.

Patuloy na naggigirian ang pating at si Marga sa nakalutang na katawan ni Herman.

Ang barko kahit palayo na, mino-monitor pa rin ng teleskopyo ng kapitan ang iniwan nilang tao na hindi nila nagawang iligtas.

“They’re gone. Pati ang zombie, nawala na.”

“Nakarating na kaya sila sa natanaw nating isla, Captain?”

“I don’t think so kahit pa nakita nating napakabilis lumangoy ng zombie na parang robot. My guess is that, nasa ilalim sila ng dagat! Paano mabubuhay ang lalaking ‘yon? Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with