Mister kinakantiyawang under de saya
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Sa laki ng katawan ko pero ang kantiyaw ng mga barkada ko ay under de saya raw ako. Paano naman la­ging nakadikit at nakasunod ang misis ko kahit sa trabaho ko. Sa totoo lang ang misis ko ang nagdidikta sa lahat ng desisyon na dapat gawin namin sa bahay. Nawawala ang pagkalalaki ko dahil si misis ang nagsisilbing leader namin sa pamilya. Ano ba ang gagawin ko?

Manong Boi

Dear Manong Boi,

Kausapin si misis na ang desisyon ay dapat ayon sa pagkakasunduan ninyong mag-asawa, hindi lamang ang kanyang gusto. Kung hindi pumayag ay makatutulong kung dadaan kayong mag-asawa sa marriage counseling. Upang maituwid at maiayos ang takbo ng iyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

UNDER DE SAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with