Zombie Family (145)
Gilda Olividado (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

NOONG yakap na ni Herman ang zombie, sumenyas siya at sumi­gaw sa mga tao sa barko. “Alis na kayo! Alis naaaa! Papatayin niya kayong lahat! Kaya niyang gawin ‘yon!”

Ang mga pasahero ang unang natakot nang marinig nila ang isinigaw ni Herman.

“Narinig n’yo ba ang sabi niya?”

“Kailangan daw umalis kaagad tayo dahil kaya tayong pataying lahat ng zombieng ‘yan!”

“Zombie?”

“Diyos ko, marami nang napatay ang mga zombies, a! Tiyak na totoo ang sinabi ng la­laki!”

“Eh, bakit siya nakaya­kap diyan? Patay na ‘yan, ang baho! Nakakadiri siya! Ano kaya ang gimik niya?”

“Pero huwag na ta­yong mag-isip na gimik ang sinabi ng lalaking ‘yan! Klaro naman na pumapatay ang mga zombies, ayaw pa ba nating maniwala?”

“Tama! Nagsasabi man ng totoo o hindi ang lala­king ‘yan, basta lumayo na ang barko ngayon din! Delikado tayo!”

“Sir, ano pa hinihintay natin? Patakbuhin na ang barko, bilisan!” May isang pasahero ang  nag-demand na.

Na sinundan naman ng iba. “Pinipigilan lang ng lalaking ‘yan ang zombie! Pero hanggang kailan? Alis na tayo rito! Larga na ang barko!”

Dahil papatindi na ang panic ng mga tao, nagdi­sis­yon na rin ng pabor ang kapitan. “It is one life against so many. Kaya prepare immediately for leaving fast of this area!”

Mabilis kumilos ang lahat na officers at crew.

Hindi nagtagal at uma­andar na ang barko, mabilis.

GALIT na galit ang zombie nang makitang palayo na ang mga kakainin niya. Nagagalit siya kay Herman.

Gusto niya itong sakalin, kagatin, kainin.

Pero hindi natuloy.

Mabilis na ginawa ni Herman ang sakripisyo niya. Ang nakakadiring pag-feed ng sex kay Marga para hindi na magutom ang bibig at sikmura ng zombie. Bumigay naman kaagad si Marga.

Sa gitna ng dagat “pinapatay” na naman ni Herman ang sarili. At para masigurong ligtas ang mga taga-barko, na hindi na ito mahabol ni Marga, inulit pa ang nakakadiring lovemaking. Hindi lamang minsang inulit.

Ginawang dalawa.

Naging tatlo.

Naging apat.

Hanggang sa nawalan na ng malay si Herman dahil sa pagod.

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with