Homework ng anak
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

Kung hindi pa rin nag--improve ang grades at work habits ng anak, mag-isip pa rin ng plan C. Kung tutulungan ang anak sa paggawa ng assignment baka puwedeng maghanap ng spot o lugar kung saan siya kumportable.

Maaaring umupo sa tabi ng anak habang nagtatrabaho si mommy na hanggang maaari ay malapit lang sa bata.

Kailangan ng tahimik na lugar na malayo muna sa mga kapatid nito na baka mas maganda kung sa loob mismo ng kanyang kuwarto. Puwede ring mag-experiment kung saang spot na puwedeng maging relax ang anak sa paggawa ng assignment.

Pagkatapos gumawa ng homework ng anak ay i-check ang kanyang gawa o sagot. Tulungan ang anak na rebyuhin ang work nito lalo na kung mayroon siyang naka-schedule na test.

Para hindi mahirapan ang anak sa maramihang rebyuhan, ang isang technique ay araw-araw pabasa sa kanya ang notes nito. Para kapag dumating ang quarter exam nito ay hindi na mahihirapan ang anak sa haba ng scope na dapat niyang i-review.

HOMEWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with