^

Para Malibang

Zombie Family (144)

Gilda Olividado - Pang-masa

NARARAMDAMAN ni Herman na nasa likod na niya si Marga. At nasa harapan naman niya ang rescue rope. Nasa itaas naman ng barko ang rescue team na handa na siyang hilahin pataas kapag nakakapit na siya sa rope.

Kumapit siya, nakaakyat kaagad.

Hinila siya.

Pero naramdaman niya ang zombie na kumapit din sa kanyang likuran.

Nakahawak sa kanyang mga hita.

Natigilan si Herman. Kapag nagpatuloy siya sa pag-akyat si Marga ay aakyat din.

At ano na lang ang mangyayari sa mga pasahero sa barko kapag nakapanhik din si Marga?

Marami ang mamamatay.

Hindi makayang isipin ni Herman na mangyayari iyon.

Kaya ang ginawa ni Herman bumitiw siya sa rescue rope. At hinayaang mahulog silang dalawa ni Marga sa dagat.

“Bakit ka bumitiw? Bakit ka  bumitiwww?” Galit na tanong ng kapitan.

“Umalis na kayo dito! Kung puwede lang na bantayan ninyo ang bawat gilid ng barko. Huwag ninyong hayaang makapanhik ang zombie na ito!” Sigaw ni Herman, tiniyak na marinig siya ng mga opisyal ng barko.

“Pero papatayin ka niya!”

“Hindi  niya ako papatayin! May gagawin ako sa kanya para malibang siya habang lumalayo ang barko! Tulinan ninyo! Tiyak hahabulin niya kayo kapag nagutom siya uli!”

Hindi malaman ng kapitan kung ano ang iuutos sa kanyang crew.

Pero ramdam niya ang panganib. Nabalitaan na rin niya ang tungkol sa mga zombies. Na walang pakialam kung pumatay, kung kumain ng tao.

“Okay, men … abandon the rescue plan. And we have to sail fast!”

Nabuwag kaagad ang rescue team.

Kanya-kanyang nagbalik sa mga assignments.

Ang nasa navigation ay ang kapitan at ang may pangalawang ranggo.

“Magpa-panic ang mga tao kapag may nakakaalam kung sino siya! Contain this news!”

“Sir, they are doing something. Ang nag-initiate ay ang lalaking gusto sana nating iligtas!”

“Explain something!” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with