Zombie Family (139)
Gilda Olividado (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

SA ILALIM ng dagat, hirap sa pag-akyat sa surface ng tubig si Herman. Nakikita niya sa paligid ang mga nakalutang na bangkay ng mga turistang buhay na buhay pa kanina.

Ang helicopter ay bumaba pa hanggang doon sa pusod.

Hindi akalain ni Herman na makakaharap na niya ngayon si Kamatayan. Una niyang naiisip ay ang asawang si Laurice. At ang kanilang dalawang anak.

Naiisip din niya ang dalawang anak nila ni Marga. Na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung ano na ang kalagayan.

Maaaring tuluyan nang gumaling.

Masarap na isipin na ganoon nga.

Pero habang malayo pa sa ibabaw ng tubig at ang dibdib ay parang sasabog na dahil walang hangin, kamatayan na naman ang naghari sa utak ni Herman.

If this is the end then he wants to believe he is prepared.

Sa rami nang nangyari sa kanyang buhay sa loob lang ng maikling panahon, hindi na naman siya dapat matakot mamatay.

Bahala na ang Diyos sa kanya kahit makasalanan siya. Ang lahat na pagkakamali niya ay ngayon niya dapat pagsisihan.

Dahil magiging huli na ang lahat kapag hindi pa siya nagsisi. Naniniwala siya sa patawad ng Panginoon.

Nagdasal siya: Patawad sa aking lahat na kasalanan. Kung kailangan mo akong parusahan, hindi ako magku-complain. Pero sana huwag Mo akong tanggihan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Accept me when You are ready, God Almighty.”

Matapos ang maikling dasal, handang-handa na siya sa pagtawid sa kabilang buhay.

Nang bigla na lang may mabilis na paparating mula sa ibabaw ng dagat.

Napakadaling nakarating ito sa kinaroroonan niya.

At bigla na lang siyang hinila. Parang sa isang kisapmata lang nangyari. Napasinghap siya matapos makalabas sa tubig.

“HAAAAAAHHHHH!” Isang napakalakas na paghinga ang ginawa niya. Nawala ang sikip ng dibdib.

At the same time, nawala rin ang thoughts of death.

“HAAAAAHHHHHH!” Isa pang buga ng bibig, wala namang maraming lumabas na tubig. Ibig sabihin, hindi siya nakainom ng marami. Pero nalaman niya kung sino ang nagligtas sa kanya. Si Marga. - ITUTULOY

 

 

 

ZOMBIE FAMILY (
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with