Usapang pinansyal
(Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Overseas Filipino workers (OFW) at single pa ako, kailangan ko ba ng  insurance? Madalas kung binata ka or dalaga iisipin mong hindi mo na kailangan ng insu­rance dahil wala namang nagdedepende sa kinikita mo. Pero maraming dahilan kung bakit mo ito kailangan. 
Kailangan mong mag-ipon para sa future mo.

Marami ang tumatagal sa abroad at tumatanda sa pagtatrabaho sa ibang bansa nang hindi nakakaipon.
Paano kung ikaw ang magkasakit, sinong susuporta sayo? Kung hindi mo na kayang kumita kagaya ng kita sa ibang bansa, kung may insurance ka at magkasakit hindi mo na kailangan galawin ang inipon mo ng mahabang panahon para sa pagpapagamot. Insurance ang sasalo sa mga gastusin at kung sumobra pa ang claim at savings mo ay maaari mo itong magamit upang magnegosyo at ‘di na kailangang mamasukan.

Hindi mapupunta sa wala ang pinagpapaguran mo, madalas ‘pag single at OFW ka,  pag-uwi mo rito sa ‘Pinas ay puro gimik ang nagagawa mo kasama ang barkada, hindi naman ito masama dahil ito na ang oras mo para magbakasyon. Pero isipin mo rin na dapat ay may naitatabi ka para magkaroon ka ng investment at makita mo ang pinaghirapan mo na may maganda itong pinatutunguhan.

Kaya kahit single ka ngayon, ito ang tamang oras para kumuha ng life insurance bago pa ito magmahal o bago ka pa maging uninsurable. After all, pwedeng hindi ka maging single forever.

Makipag-usap sa lisensyadong financial advisor ngayon at tumawag sa 09959510354. 

PINANSYAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with