Mga Katanungang pang Fengshui
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - July 11, 2019 - 12:00am

Tanong: May nakita akong Dzi eye beads sa Quiapo na may iba’t ibang bilang ng “eye”. Ilang “eye” ang pampasuwerte sa negosyo at sa sugal? Maganda bang magdis­pley ng Last Supper sa salas o sa dining area?

Sagot: Ang fifteen-eyed Dzi ay para makaakit ng maraming suki sa iyong tindahan samantalang ang nine-eyed Dzi ay para sa biglaang pagdating ng maraming pera. Isang halimbawa ay pagtama sa jueteng o lotto.

Ang Last Supper ay nagpapahayag ng huling hapunan o kakapusan sa pagkain; simbolo rin ito ng kataksilan dahil kung iyong rerebyuhin ang istorya sa Bibliya, dito ipinahayag ni Jesus ang kanyang prediksyon na ipagkakanulo siya ni Judas at itatanggi naman siya ni Peter. Altar ang tamang lugar para pagdispleyan ng Last Supper.

Tanong: Last New Year ay namatayan ako ng aso na mahal na mahal ko.May masama ba itong ibig sabihin dahil new year nangyari?

Sagot: Walang masamang ibig sabihin at may magandang paliwanag diyan. Ang advantage ng pag-aalaga ng hayop ay sila ang sumasalo sa kamalasang dapat sana ay sa mga amo niya tatama. Iniligtas kayo ng iyong alagang aso sa hindi magandang pangyayari. Paalaala: Huwag maglilibing ng hayop sa loob ng inyong lote. Ang bangkay ay naglalabas ng negative energy. Magdudulot ito ng kamalasan sa mga occupants ng bahay.

FENGSHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with