Paano magmukhang payat sa picture?
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 10, 2019 - 12:00am

Iba na talaga ang panahon ngayon. Karamihan sa millennial at feelennial (feeling millennial) ay mayroong Facebook kaya naman marami sa kanila ang abala sa pagpo-photoshoot para i-post sa social media.

Marami ang gu­ma­gamit ng application para i-edit ang kanilang mukha. Pero paano nga ba magmukhang payat ng natural sa picture?

Sa tuwing magpapa­kuha ng litrato, tandaan na laging ilabas o ipakita ang inyong leeg.

Subukan ninyong yumuko sa picture at maki­kitang mukha kayong ma­taba at unwelcoming.

Ugaliing iangat ang ulo dahil magbibigay ito ng ilusyon na mahaba ang inyong leeg at payat ang inyong pangangatawan.

Kapag nakaupo naman ay ituwid ang inyong likod. Mapapansin kasing kapag naka-relax ang inyong posisyon ay magmumukhang malaki ang inyong tiyan at tinatamad.

Samantalang mukha naman kayong sexy kapag tuwid ang pagkakaupo.

Bigyan ng atensyon ang inyong kamay. Hindi magandang tingnan ang cross arms dahil nagbibigay ito ng pangit na impression.

Subukang ilagay ang inyong kamay na parang hourglass ang shape.

Sa ganitong pose ay magmumukha kayong sosyal at sopistikada.

FACEBOOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with