Madalas na naitatanong sa fengshui
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - July 9, 2019 - 12:00am

Masama ba sa Feng­shui ang magdispley ng relo sa loob ng bahay?

Hindi pero may pi­nipiling lugar ang paglalag­yan ng displaying clock, hanging clock, cuckoo clocks, etc. Ang good fengshui area para sa relo ay kitchen, salas at home office. Okey lang maglagay sa bedroom ng relo ngunit ito ay dapat na maliit lamang.

Iwasan ang pagdidispley ng malaki at maraming relo sa loob ng bedroom. Huwag maglalagay ng metal clock sa East. Huwag din ilalagay ang relo sa lugar na una mo itong makikita kapag pumasok ka sa loob ng bahay.

Masuwerte bang gawing necklace ang ngipin ng Tigre?

Ang tiger tooth ay simbolo ng katapangan at lakas. Okey lang itong gamitin ng mga may animal sign na Dog, Horse at Pig.

Lilinawin ko na ang tiger tooth ay protective amulet at hindi lucky charm.

Bakit masamang magdispley ng mirror sa tapat ng main door?

Ang good luck na pa­pasok sa bahay ay agad na lalabas. Lagi kang malalampasan ng magagandang oportunidad o kaya ay laging may darating na pagkakagastusan ang pamilya.

FENGSHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with