Tattoo sa mukha batayan ng ganda
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 8, 2019 - 12:00am

Batayan ng ganda ang makinis at maaliwalas na mukha para sa karamihan.

Kabaliktaran naman nito ng paniniwala ng Maori people dahil para sa kanila, mas maganda kung buburdahan o tatatuan ang kanilang mukha na parte na rin ng kanilang tradisyon.

Tinatawag nila itong Ta moko kung saan puwedeng tatuan ang kabuuang mukha depende sa estado ng buhay ng isang Maori.

Isa sa nakamamang­ha tungkol sa tradisyong ito ng Maori people.

Wala kang makikitang magkaparehang tattoo sa kanila hindi tulad ng ibang tribo sa mundo. Kadalasan ang mga di­senyo nila ay kurbada at pa-spiral.

Bawat tattoo ay may natatanging kahulugan at mensahe.

Kapag mas agaw-pansin ang tattoo ay mas maganda para sa kanila.

Ayon sa ilang pag-aaral, marami raw lihim ang mga burda sa katawan ng mga Maori na mas malalim pa sa inaakala natin.

TATTOO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with