Paano isasagawa ang ‘space clearing?’
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - July 4, 2019 - 12:00am

1--Magsabog ng asin sa main door, sulok ng bahay, madilim na bahagi ng bahay, kuwartong walang gumagamit. Hinihigop ng asin ang bad energy na namamahay sa mga sulok at madidilim na lugar.

2--Magsimulang pu­ma­lakpak sa entrance ng bahay habang naka-squat. Kailangan mong nakaupo upang ang sound mula sa pagpalakpak ay aabot sa ilalim at gagalaw sa paitaas. Tumayo at ipagpatuloy ang pagpalakpak habang naglilibot sa buong bahay.

3--Palakpakan ang mga sulok-sulok ng bahay at bawat bedroom para mapalayas ang “panis” na energy at mapalitan ito ng “fresh”.

4--Ang asin na isinabog ay walisin after 24 hours. Itapon ang natirang asin na hindi nagamit.

5--Kung successful ang isinagawang space clearing, mararamdaman mong naging maaliwalas ang paligid at naroon ‘yung masayang pakiramdam.

SPACE CLEARING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with