^

Para Malibang

Zombie Family (122)

Gilda Olividado - Pang-masa

KINILABUTAN si Laurice. Nagkaroon ng sobrang takot kahit pa mahal niya ang dalawang teen­agers.

Halos itinutu­ring na ngang mga anak.

At ang ka­nilang mga anak ni Herman, kapatid na kapatid ang turing sa dalawa.

Paano nila matatanggap ang mga pangyayaring ito?

“Dok, paano na ‘yan? Hindi nga sila mukhang zombies pero ginagawa naman nila ang ginagawa ng mga zombies?”

“We have to let them stay here. Kaya lang, kaila­ngan silang kontrolin.”

“Ano po’ng ibig sabihin ninyo?”

“Naka-confine sila sa isang secured na room. Pero hindi ko pa rin sila bibigyan ng freedom to move around kahit nasa room na iyon sila. They have to be tied.”

Nabigla si Laurice, naawa sa dalawa. “Chained ang ibig ninyong sabihin, right?”

Malungkot na tumango ang doctor-scientist. “We have no choice. Hindi ko pa tiyak ang behavior nila sa ngayon. Would they hurt and eat anyone? Or just those they are angry at. Kasi sabi mo, iyung tatlong bullies … galit sila doon. At iyon ang mga pinatay at kinain nila, I guess.”

“Teka, Dok, iku-confirm ko lang sa teacher na kaibigan ko. Updated siya ng news tungkol doon sa nawawalang tatlong bullies at may nakitang kapiraso ng finger at kuko sa lugar na paborito ng mga bullies.”

Tumango ang doktor.

Nakausap naman kaagad ang teacher na reliable ang mga iniri-report kay Laurice.

“Ayon sa DNA, ang kapirasong bahagi ng kamay na ‘yon ay kay Ricardo Asunico Jr. Isa nga doon sa tatlo! Kaya malamang ang tatlong ‘yon ay magkakasamang namatay!”

“Oh, my God!” Nanlumo nang husto si Laurice at nadagdagan ang pangingilabot.

Sinabi kaagad sa doktor, nang nangi­nginig ang buo niyang katawan. “Confirmed na isa sa mga bullies ang kapirasong laman at kuko, Dok. Ibig sabihin, napakadelikado na nga ng dalawang ‘yan.”

Bigla na lang lumapit sa kanila ang dalawa na sa ngayon ay hindi pa ina-isolate.

“Tita, uuwi na po ba tayo sa atin?” Magalang na tanong ng lalaking anak nina Marga at Herman. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with