Malamig na tubig, pampakintab ng buhok
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - June 24, 2019 - 12:00am

Isang hair care guru si Sushmita at naglalabas siya ng mga video tungkol sa tamang pagpapahaba ng buhok at pagpapalago ng buhok.

Ayon sa kanyang video blog, nasubukan na niya ang halos lahat ng natural hair care tips. Pero ang mga sumusunod ang napatunayan niyang epektibo at hanggang ngayon ay ginagamit pa niya.

Malamig na tubig – Hugasan ang buhok sa malamig na tubig. Sinasara ng malamig na tubig ang pores sa ating buhok/balat para mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating katawan/ulo. Ito ay nagreresulta sa makintab na pagtubo ng buhok.

Itlog – Ihiwalay ang puti ng itlog sa pula nito. Ihalo itong (puti ng itlog) mabuti hanggang sa kumapal. Ilagay ito sa anit at ibalot ng plastic ng limang minuto. Hitik sa protina ang puti ng itlog na maganda sa kalusugan ng ating buhok.

Laman ng Aloe Vera – Mabisa ang halamang ito sa pagpapatubo ng buhok. Mayroon din itong taglay na bitamina para sa pag-aalaga ng anit.

MALAMIG NA TUBIG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with