^

Para Malibang

Zombie Family (114)

Gilda Olvidado - Pang-masa

BAGO pa makagat ni Marga ang biktima, nayakap na siya ni Herman. Kaylakas, hirap si Herman na awatin ito sa pagpatay ng tao.

Pikit-mata niyang ginawa ang tanging paraan para mailigtas ang kakainin ni Marga.

Kahit lawit ang dila ng zombie, hinagkan ito ni Herman sa mga labi. Mariin, mapusok, may passion.

Kundi ay walang epekto ang kanyang ginawa, hindi niya maaawat si  Marga.

Umepekto kaagad ang ginawa ni Herman. Lumuwag ang hawak ni Marg sa bibiktimahin sana.

Nasabik sa halik ni Herman. Sa yakap nito. Sa init ng pagtatalik.

Habang kahalikan ang zombie ay sinenyasan ni Herman ang mga survivors na tumakbo na papunta sa gubat.

Sumunod ang dalawang babae. Nagkanlong nga sa gubat.

Pero ang natitirang lalaki ay umiral ang katigasan ng ulo. Ang pride. Hindi ito sumunod, dumiretso ng takbo papunta sa dulo ng beach.

Nakita iyon ni Herman. Napamura sa sarili.

Kung sana pumasok na rin sa gubat ang lalaki, mabibitiwan na niya si Marga para siya man ay papasok na rin sa gubat.

 Magiging ligtas sila sa gubat. Matatakasan si Marga.

Pero dahil sa katigasan ng ulo ng lalaki, si Herman ang naipit sa isang sitwasyon na pinandidirihan niya.

Ang zombie ay nadadarang na rin sa init na seksuwal. Kayhigpit na ng yakap at halik kay Herman.

Hindi na puwedeng takasan ni Herman.

Nagtalik silang muli ni Marga, napakasagwa, horrifying, nakakabaliw panoorin.

At hinimatay sa pandidiri ang lalaking hindi pumasok sa gubat. Natumba, sa mahahabang damuhan bumagsak.

Hindi iyon nakita ni Herman, akala niya hindi pumasok sa gubat ang lalaki pero nakatakbo palayo.

Hindi niya alam na hinimatay, very open sa panganib.

Hanggang sa ang impiyernong ginagawa ni Herman at ng zombie ay natapos.

Gustong mamatay na naman ni Herman matapos ang pakikipagtalik sa zombie.  -  ITUTULOY  

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with