Zombie Family (112)
Gilda Olividado (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

SA iskwelahan, tuwing napapadaan ang mga tao sa harap ng secret place ng tatlong bullies may naaamoy silang mabaho.

“Ano kaya meron diyan? Baka may patay na mga daga?”

“Nakakalason nga ang amoy, e.”

“Sabihin n’yo sa guard o kaya sa maintenance. Para matingnan diyan. May mga langaw na, o!”

“Abot na sa canteen ang amoy, hindi ka tuloy makakain nang tama.”

Dumating ang dalawang tauhan ng maintenance ng school.

“Sobrang amoy. May patay diyan.”

    Mga naka-mask ang dalawang taga-maintenance nang pumasok.

Mas maraming langaw sa loob.

“Wala namang patay na hayop!”

“Oo nga. Teka, maghanap pa nga tayo kasi mas nakakasulasok ang amoy dito, e.”

Binusisi ang bawat sulok. 

Ang mga lagas na dahon, kinalkal, tiningnan ang ilalim.

“Wala talaga.”

“Pausukan na lang natin ito para mawala ang amoy.”

“Mabuti pa. Teka, walisin muna natin ang mga tuyong dahon para maapuyan.”

Winalis nga ang mga tuyong dahon, ginawang maliit na bundok. Saka nilagyan ng konting gas at dahil tuyo ang mga dahon, isang dikit lang ng apoy sa lighter, na­ging munting siga kaagad ito.

Nang may napansin ang isa sa taga-maintenance.

Nasa lupa, nailawan ng siga.

“Teka ... ano ‘tong bilog na ito na mamasa-masa at parang may nakalawit na malambot na parang laman?”

Marahang winalis papuntang dust pan.

Lumalaki ang siga, lalong naiilawan.

“AAAAHHHHHH!”

“Hoy, bakit? Ano ba ‘yan?”

Pero parang nabaliw nang kumaripas nang takbo ang nakakita sa bagay na iyon.

“Gagong Atoy ‘yon, a. Parang bading kung makatili. Ano ba ‘to? Bakit siya natakot?”

Nang mabusising mabuti ang bagay na iyon, napasigaw na rin ang pangalawang taga-maintenance. Para ring hinabol ng sampung demonyo nang tumakbo palayo. - ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with