Wish ng lalaki na alam ng mga misis...
(Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

Kailangan ni mister ang katuwang niyang asawa.

Hindi nito kaila­ngan ang mga nagger na misis na wala nang ginawa kundi ang magbunganga, pagalitan, at ipahiya ang kanyang asawa.

Hindi kailangan ni mister ang maybahay na puro reklamo tungkol sa kanyang asawa na gusto pang ikontrol ang lalaki.

Sa halip ay kailangan nito ng wifey na kanyang kakampi at partner sa buhay.

Alam ng Diyos na kailangan ng lalaki ng kasama sa buhay, kung kaya pinag-isa ng Panginoon ang lalaki at babae upang mapunuan ang kakulangan kay mister. 

Sa ilang gap o puwang sa lalaki na kinailangan ng ilang pag-aayos sa ibang ma­gagaspang o kahinaan sa parte na diskarte ng mga mister na dapat trabahuin. Pero ang bawat misis ay sakto sa paghugot sa tadyang ng lalaki upang mahubog ang anyo ni Eba na isang magandang bagay na nangyari sa buhay ni Adan.

Maaaring mayroong gap sa ilang parte ng buhay ni mister; maging ito ay sa finances, parenting, pag-aayos ng bahay o kotse, pagiging leader ng pamilya, o iba pang bagay.

Ladies, kailangan ng tulong ng mga lalaki, kung kaya ibinigay ka ng Diyos para maging misis na katuwang ni mister.

FINANCES PARENTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with