‘One-child’ policy sa China
(Pang-masa) - June 12, 2019 - 12:00am

Ang Chinese government ay ipinapatupad ang “one-child” policy na matagal nang tanggap sa kanilang bansa. Kung hindi raw nakontrol ang population ng China ay tinatayang mahigit 1.8 bilyon na ang kanilang growth na maaapektuhan ang kanilang economic development.

Samantalang sa rural na pamilya ay pinapayagan ang pagkakaroon ng dalawa kapag ang panganay ay babae para masundan ito ng anak na lalaki. Ganundin sa mga ethnic minorities na pamilya ay hinahayaan hanggang tatlong anak.

Kapag sa mahihirap na pamilya ay nagkaanak ng higit sa isa, nagmumulta sila ng mahal sa gobyerno. Ito ay nagsisilbing babala sa ibang magulang. Pero meron ding pamilya  na handang magbayad ng penalty sa gobyerno sa kagustuhan na magkaanak ng higit sa isang bata na ibig sabihin ay handa nitong suportahan ang kanilang pamilya.

 Kung kaya ang pagkakaroon ng dalawang anak sa China ay naging “status symbol” na ibig sabihin ay may kaya o mayaman ang pamilya.

Sa kabuuan ay naging maganda ang resulta ng “one child” policy dahil nabibigyan ng halaga ang edukasyon ng bawat anak. Kasabay ng regular na pagtuturo ng fami­ly planning para maalagaan at mabigyan atensyon din ang kalusugan at pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya.

Parehong active ang role ng mga magulang sa pag-aalaga ng kanilang isa o dalawang anak habang ito ay lumalaki.

Araw-araw ay si nanay ang tumitingin sa anak habang ang role ng Chinese na tatay ay kumita ng pera upang suportahan ang pamilya.

 Karamihan sa mga mister ay ibinibigay ang halos lahat ng kanilang sahod dahil pinagkakatiwalaang mahusay na mag-manage ng pera ang mga babae kaysa sa mga lalaki.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with