Napapagkait na karapatan ng batang Pinoy
(Pang-masa) - May 24, 2019 - 12:00am

Nakalulungkot isipin na ayon sa statistic na marami pa ring kabataang Pinoy ang hindi nakakapag-aral kahit libre na ang tuition fees ngayon. Sa research na isa sa sampung bata ang hindi pumapasok sa eskuwelahan. Samantalang sa edad na 6-24-year old na indibidwal ay wala sa school.

Iba pa ang kaso ng mga drop out na mga bata mula sa edad 6 -11 sa primary at 12 -15 sa high school. May iba’t iba ring kadahilanan  sa elementarya tulad ng 36%  ay walang personal na interest, 14% na namamahalan sa gastusin, 36% may sakit o disability, at 14% sa iba pang rason. Samantalang sa high school ay 44% na walang interes na mag-aral, 29%  ang walang panggastos, at 12% ang dahil sa sakit.

Marami pa rin sa mga bata na napapagkaitan ang kanilang karapatan ng pagkakataon na pumasok sa eskuwelahan. Dahil sa kahirapan maraming magulang ang pilit na iginagapang ang pangangailangan ng pamilya pati na rin ang edukasyon.

Mapalad na maraming pribadong ahensiya ang nais tumulong na isulong ang edukasyon ng bawat bata. Katulad ng  Tribe Mission, World Vision, Bantay Bata, at ibang oraganisasyon  na committed na i-promote ang pangangailangan ng mga bata na mag-aral. Ang pagkatuto ay mahalagang bahagi ng growth at development ng mga bata. Ang bawat bata ay deserve na matuto, ma-discover, at maabot ang potential nito.

Sa tulong ng mga sponsors at donors ng mga nabanggit ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata ng oportunidad na maranasan ang kaligayahan na matuto mula sa pagbibigay ng mga pangangailangan tulad ng school supplies upang magkaroon ng magandang future ang mga kabataan.

Kung nais makatulong ay maging bahagi na mag-abot ng donasyon sa mga nangangailangang mga bata upang makapag-aral, mabigyan ng school bag, at supplies. Ang sama-samang tulong ay tiyak na maaabot ang mga nangangailangang mga batang Pinoy.

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with