Zombie Family (90)
NASA luntiang gubat pa rin si Herman. Nag-iisa man, kuntento. Malayo man sa pamilya, nakakatiis.
Ang importante ay malayo rin siya kay Marga.
Wala na siyang kinatatakutan na mapapatay dahil hindi pinupuntahan ng mga tao ang islang ito.
Dahil sa panganib ng dagat na mala-buildings kalalaki ang alon.
Kaya si Marga, mamamatay nang kusa kapag sobra na ang gutom. Hindi kailangang mamatay sa kanyang mga kamay si Marga dahil hindi iyon kaya ng kanyang kunsensya.
Maghihintay lamang siya dito sa gubat. Kakain ng mga prutas, magdadasal, magpapahinga.
Mararamdaman naman niya sigurado kung kailan ligtas nang lumabas dahil wala na ang zombie.
Sa umagang ito, nakakuha si Herman ng mga saging at mangga. Sarap na sarap siyang kumain.
Pero may nakita rin siyang ahas na natatanaw lang niya. Hindi naman kalayuan.
Hindi siya nag-panic.
Ang alam niya, hindi naman mapanganib ang mga ahas kapag hindi mo sila ginalaw.
O kaya, para hindi sila matatakot sa iyo at mag-panic at manuklaw, huwag ka na lang gumalaw hanggang sa makalayo ito.
Ganoon nga ang kanyang ginawa. Tumigil muna siya sa pagkain. Hindi gumagalaw.
At maya-maya nga lang, umalis na ang ahas.
Napangiti si Herman. Kung hindi siya na-expose sa lupit ng zombie Marga, magpa-panic na siyang tiyak makakita lang ng ahas.
Pero ngayon niya napatunayan na ang totoong lalang ng Diyos ay walang kung kasamaan.
Nananakit lang o nanunuklaw kapag inakalang nasa panganib sila. Nag-react lang.
Talagang hindi gustong pumatay. Pero si Marga, kapag hindi niya pinagbibigyan ang libido ng katawang halos warak na at inuuod na nga, pumapatay ng tao.
Walang pangalawang kalupitan kapag pumatay. Klaro kung sino ang nasa likod ng zombie Marga. Kasamaan, puwersa ng kadiliman. Itutuloy
- Latest