Kakaibang isda, may ngipin na katulad sa tao!
(Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

Nagulantang ang isang babaeng naglalakad sa gilid ng dalampasigan kasama ang kanyang anak nang makita ang isang kakaibang isda na ang bunganga ay bahagyang nakaawang kung saan masisilip ang mga ngipin nito na parang sa tao.

Ayon kay Maleah Burrows, 31, mula Georgia, USA, wala pa raw siyang nakikita na ganitong uri ng isda.

“We were just walking along the beach and it was washed up far from the shoreline and caught our attention,” pagkikuwento niya.

“I originally just thought it was a plain old fish - ­nothing exciting, but I still wanted to show my three-year-old.

“Then as we got closer I saw all the teeth and I was shocked because I’d never seen anything like it!”

Ang kanyang nakita pala ay labi ng isang sheepshead, isang uri ng isda na ginagamit ang malalaking ngipin para durugin ang pagkain nilang hipon, talaba at mga alimango. Kilala rin sila sa pagnanakaw ng mga pain ng mangingisda para sa mga huhulihing isda.

Nag-uumpisang ma-develop ang mga ngipin ng isang Sheepshead kapag sila ay nasa habang 4.5mm pa lamang, makukumpleto ito kapag sila ay nasa 15 mm na.

Puwede silang lumaki ng hanggang 76cm at kadalasan ay umaabot pa ng kalahating metro. Matatagpuan sila sa Gulf and Atlantic coasts sa US at sa Sheepshead Bay sa New York City.

ISDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with