^

Para Malibang

Sa pagpili ng kurso, sino ang masusunod, ang magulang o anak?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Noon po, gusto ko syempre ako ang maghahanap at pipili ng course na gusto ko. Ang gusto ko noon was Fine Arts kasi hilig ko ang magpinta. Pero pinilit ako ni mama na mag-Accounting. Masama ang loob ko nun pero wala akong nagawa kasi nga siya naman ang nagpapaaral sa akin. Ngayong nagtatrabaho na ako, masaya ako at masasabi kong tama si mama. Nagpapasalamat ako sa kanya. Kasi bukod sa pagiging accountant, nakakapagpinta naman ako kahit hindi ako nag-aral ng Fine Arts. Lahat kasi ng kumpanya ay may accounting kaya hindi mahirap maghanap ng trabaho.” - Neo, Cagayan

“Dapat ang anak. Sila ang mag-aaral. Mahirap naman kung ilalagay mo sila sa ayaw nila. Ganyan ang nangyari sa ate ko, pinilit siyang mag-nursing ayan tuloy natagalan bago siya nakapasa sa board. Dapat may puso ang bata sa pag-aaral.” - Jhon Carlo, Bulacan

“Depende yan sa diskarte ng magulang. Dapat kasi ipaintindi mo sa iyong anak kung bakit yun ang gusto mong tahakin niyang landas nang sa gayon ay maintindihan niya at hindi sumama ang kanyang loob. At the same time, kausapin n’yo rin siya kung bakit iba ang gusto niyang kunin. At kapag naipagtanggol niya, why not give them a chance.” - Wilson, Taguig

 “I believe that mother knows best kaya dapat magtiwala ang mga anak sa mga nanay nila. Paglaki nila maiintindihan din nila yun. Kaya pansin n’yo marami sa ibang nagko-kolehiyo ang palipat-lipat ng career. Kasi ‘di sila ganun kasigurado.” - Adam, Pandacan

“Mas mabuti kung anak. Para bata pa ay magkaroon na sila ng lakas ng loob na patunayan na tama ang pinili nila.” - Gary, Rizal

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with