Beauty rest ng mga nanay
(Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Ang summertime na pagbabakasyon ng mga anak ay nagbibigay pa rin ng pressure sa mga nanay. Ang summer ay dapat oras ng pagpapahinga ng mga nanay, pero hindi pa rin natitigil ang pag-alis sa bahay ni nanay.

Panahon sana na pinapayagan ang mga bata na magkaroon ng maraming oras sa paglalaro sa labas ng bahay, pag-swimming, pagbibisekleta, at lahat ibang activities maliban lamang sa pagsasayang ng oras ng panonood sa harap ng TV.

Panahon din ng pag-enforce ng quiet time na oras upang magbasa ng libro sa kanilang mga kuwarto ang mga bata sa gabi. Gusto ng mga nanay na disiplinahin ang kanilang anak na mag-recharge bago harapin muli ang pagpasok ng school year.

Hindi kailangang maging coach si nanay sa buong summer. Kundi magkaroon ng oras na mag-time out na magpahinga na matulog kasama ang mga anak sa hapon. Magkaroon ng beauty rest dahil mabilis lang ang araw na hindi namamalayan ay enrollment na naman. Magkaroon pa rin ng goals sa ilang activities at mas palalimin ang bonding kasama ang mga anak at buong pamilya.

SUMMER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with