Kambal, magkaiba ang tatay!
GRABE NA ‘TO (Philstar.com) - May 1, 2019 - 12:00am

Nagimbal ang mag-asawang hindi na nagpakilala mula sa Xiamen, China nang lumabas ang resulta ng DNA test ng kanilang kambal na anak.

Nag-request ang babae ng isang paternity test sa kanyang partner para sana pormal nang mapagsama ang kambal at mai-register na sa kanilang siyudad, pero nagulat sila nang ang lumabas na resulta ay magkaiba raw ito ng ama.

Ayon sa report, matagal nang nagdududa ang tatay ng mga bata dahil parang hindi naman daw ito magkamukha.

Magkaiba ang kanilang mga mata, bibig, at ilong na hindi raw niya kamukha ang mga ito.

Ganunpaman, hindi naman daw pumasok sa isip niya na hindi siya ang ama ng mga ito.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa at hinala pa ng babae, ang asawa niya ang may kagagagawan nito. Dinaya raw nito ang resulta ng DNA.

Hindi naman nagtagal ay umamin ang babae na nagkaroon siya ng one-night-stand sa ibang lalaki.

Ayon sa findings, case of super-fecundation daw ang nangyari sa pagbubuntis ng babae.

Nangyayari ito kapag ang dalawang itlog ay na-fertilized habang nasa iisang cycle.

Maaari raw na pagka­tapos nilang magtalik ng kanyang asawa, naki­pagtalik naman daw siya sa kanyang lover, ilang oras o araw lang nakalilipas.

“This is a very special case. It means that the woman had sexual relations with two men - and was impregnated by them at the same time,” paliwanag ng doktor.

DNA TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with