Anak Gustong Itakwil si Tatay
(Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Hiwalay na ang magulang ko. Gusto ko sanang mabuo muli ang pamilya namin. Ang problema ay ang tatay ko na toxic kasama at kausap. Mas gusto pa niyang magdroga at makipag-inuman. Hindi na sila nag-uusap ni nanay kaya kami na lang ng kapatid ko ang kausap niya. Pero lagi niya kaming sinisisi at ginagawang makonsensya sa mga drama niya sa buhay. Puwede bang magtakwil ng ama kung ganyan lang kami tratuhin ni tatay. Tama po ba ako?

Jay

Dear Jay,

Kung hindi ligtas kasama at kausap ang iyong tatay, tama lamang na lumayo muna sa kanya. Hanggang hindi niya ipinapangako na hindi siya tumitigil sa kanyang masamang bisyo. Puwedeng manghingi ng tulong sa DSWD at opisyal sa inyong barangay upang makatulong kung ano ang dapat gawin. Upang matulungan si tatay sa kanyang sitwasyon.

Sumasainyo,

Vanezza

TOXIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with