Zombie Family (64)
Gilda Olividado (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

NAKALABAS na nga si Marga sa kuweba at ang unang biktima ay ang ahas. Hanggang pinakadulo ng buntot ay kinain ni Marga.

May mga naglalaro sa kanyang utak dahil may brain cells pa ring buhay si Marga.

Ang dalawa niyang anak na hindi na niya nakikita. Inabandona na ba siya ng mga ito?

Si Herman na wala na rin at wala na siyang katalik. Hindi niya ito matatanggap.

At ang babaing matagal na niyang kinasusuklaman. At kinatatakaman ang lahat-lahat na bahagi nito. Si Laurice.

Hindi ba muntik na niya itong kainin? Pero iniligtas ito ng pinakamamahal niyang si Herman.

Ngayon  ay kailangan niyang matunton si Laurice. At mayroon pang hindi alam si Herman tungkol sa zombieng kabit.

Na ito, kapag naamoy na ang isang taong gustong kainin, buhay na buhay sa ilong at diwa ng zombie ang scent of life ng taong iyon.

   Kaya niyang sundan ang bakas ng amoy nito hanggang sa kanyang matatagpuan.

Nasimulan sa kuweba ang trail of scent ni Laurice. Tama ang direksiyon ni Marga patungo sa bahay ng legitimate family ni Herman.

Paglabas sa forested area, sigurado kaagad ni Marga ang pagkaliwa. May dumaan na trailer.

Isang talon lang ni Marga, easy na nakapangunyapit na ito sa likod, walang kaalam-alam ang driver na may babaing zombie sa likuran ng kanyang minamanehong higanteng sasakyan.

SI LAURICE naman ay ginawa na kaagad ng psychiatrist na out patient.

“She is slowly responding to her medication. Puwede nang every otherr day mo siya dadalhin dito. I think she will be great at home. With the whole family, she can start healing.”

“Salamat, Dok. Ka­pag tinatawag ko siya, tumitingin na nga ho siya sa akin. I think that is positive.”

“Definitely. But we have to be more patient in waiting. I can’t promi­se yet the exact frame of recovery. Ang importante may mga responses na siya.”

Mixed emotions si Herman, sa totoo lang. Ang katuwaang mukhang unti-unti nang bumabalik sa diwa niya si Laurice ay nahahaluan ng takot na baka kapag may full awareness na ito ang unang maalala kapag nakita siya ay ang nakakadiring pagtatalik nila ng zombieng si Marga.

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with