_pang-masa
^

Nakatagong stress sa paggamit ng smartphones

(Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Awesome ang mga naglalabasang computers, smartphones, tablets, at iba pa na ang ending ang tao na ang nagiging tool na nakokontrol ngayon ng techonolgy.

Sa pag-aaral, malawak ang masamang epekto ng sobrang screen time hindi lang sa mga bata kundi sa mga adults.

Ang mga nabanggit na techonology ay nagbibigay ng hidden stress sa mga indibidwal.

Tulad nang nasisira at umiikli ang mahimbing na tulog. Pati ang physical na activity ay nababawasan. Mataas din ang rate ng emotional, social, at behavior problems ng mga tao. Tumaas din ang bilang ng rate ng obesity.  Hindi pa kasali ang maraming nasisirang pamilya at pagtaas ng krimen dahil sa maling paggamit ng techonolgy. Bakit nga ba ang smartphone at screen ay may  ganitong epekto?

Napapansin sa sarili ang ilang pagbabago kapag sobrang gumagamit ng techno­logy. Gaya ng pagtaas ng heart rate, shallow ang paghinga, at pagtaas ng alertness na signs ng stress response. Sa mga batang gumagamit ng smartphones sa gabi ay nakararanas na pagbilis ng tibok ng puso at pagbaba ng autonomic nervous system activity na parehong ebendensya ng activated sympathetic nervous system. 

Kalimitan ang mga tao ay nagtsi-check ng email na 150 at 300 na beses sa loob ng isang araw. Sa bawat pag-check ng phone ay nag-a-activate ang “fight o flight” response.

Ibig sabihin na marami sa atin ang majority na active ang stress response. Kapag ang sysmpathetic nervous system at activated gumagana lahat ng function para sa immediate na survival.

Pero nakakalimutan ang proseso ng required na pangmatagalan sana dahil kalaunan ay naaapektuhan ang digestion, hormone production, tissue regeneration, repair, at iba pa.

Nati-trigger ang stress response dahil sa sobrang paggamit ng screen time. Ang resulta ay nagkakaroon ng unhealthy level ng stress na nade-develop din ang mga iba’t ibang sakit.

 

 

SMARTPHONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with