Kailangan bang mag-demand ng awards sa anak sa school?
(Pang-masa) - April 14, 2019 - 12:00am

“Sa aking pananaw bilang magulang, hindi dapat, kasi hindi naman dun nasusukat ang pagiging mabuti ng isang tao. Okay na sa akin ang makapasa siya at hindi maging palaaway sa klase. Nakakadagdag stress din sa bata ang pressure. May pressure na nga sa school, meron pa sa bahay.” - Ted, Bulacan

“Pwede mo silang bigyan ng konting pressure para hindi naman sila makampante bilang anak at estudyante. Kasi kapag walang pressure baka hindi na mag-aral. Iisipin nila na okay lang pala na walang award.” - Elmar, QC

“Depende yan sa performance ng anak mo sa school dapat maging consistent sila. Kasi practice na rin yan sa college nila. At eventually ‘pag nakahanap sila ng work. Para maging competent sila at makakuha ng magandang trabaho.” - Sydney, Baler

“Hindi... Kung okay ang pagpalalaki mo sa iyong anak, bonus na lang siguro kung magkaka-award siya. Numero uno pa rin sa akin ang pagkakaroon niya ng magandang asal at pananampalataya sa Diyos.” - Carson, Davao

“Aba siyempre. Kasi kung walang pressure, wala silang goal. Dapat may goal siya habang nag-aaral. Mahirap yung nasa school ka lang dahil kailangan. Kaya nga nasa eskwelahan ay para matuto. At ang award ay reflection ng kung ano ang natutunan mo sa school.” - Rainier, Pasay

 

SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with