Kailangan bang mag-demand ng awards sa anak sa school?
(Pang-masa) - April 14, 2019 - 12:00am

* Ang mali ng mga ma­­gulang ay panay ang demand sa mga anak na maging honor student, pero wala namang time na turuan ang bata sa kanilang pag-aaral. Tapos panay ang sisi sa mga teachers. – Mean, Parañaque

* Sino ba ang hindi proud na magkaroon ng medal ang anak? Pero kung walang effort ang parents na suportahan ang anak na tulungan sa kanilang studies, anong award ang makukuha ng bata? – Merly, Imus

* Natutunan ko na huwag mag-demand ng awards sa mga anak ko dahil imbes na ma-enjoy at matuto ay napi-pressure. Sa huli ay nadi-depress ang anak ko dahil mas magagaling ang mga kalaban niya. Kaya masaya na ako na ibigay niya ang best nito sa pag-aaral at nga­yon ay naka-graduate na siya ng senior high school. Mas bibigyan ko siya ng support na mairaos  na matapos ang studies niya sa college kahit walang honors basta ma-maintain nito ang grades niya. – Loisa, Malabon

* Thankful ako kung may awards ang anak ko, kung wala okey lang. Ang turo namin sa anak ko na ang bawat grades niya ay hindi lang para sa amin na parents niya, kundi sa Panginoon na bibigyan niya ng honor higit pa kahit kanino. Dahil sa Panginoon siya magbibigay ng sulit. – Mabel, Tondo

SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with