^

Para Malibang

Zombie Family (37)

Gilda Olvidado - Pang-masa

BUMUKAS bigla ang mga mata ni Marga habang nakayuko sa dibdib niya si Herman.

Ang totoo, curious lang din naman si Herman kung tumitibok pa rin ba ang puso ng isang zombie.

O wala na talagang heartbeat.

Hindi niya napansin, dilat na dilat na ang mga mata ni Marga. Nakatapat lang ang bibig nito sa batok  ni Herman.

Kumikiwal-kiwal na ang dila nito. Parang nagkakaroon ng takam sa malaman na batok ni Herman at may texture pa rin ng kabataan.

Inilapit na nito ang bibig sa batok.

Parang gusto nang mangagat.

Pero saka naman kumilos si Herman. “Marga? Kanina ka pa gising?”

Ngumisi ang zombie.

Napansin na rin ni Herman ang pagdilat ng mga mata ng dalawang anak.

Kumikiwal-kiwal ng mabilis ang mga dila nito. Ang palatandaan ng gutom. Kagustuhang makakain na kaagad ng laman ng tao. Pati dugo. Lalo na puso, atay, baga, matris, kidney.

“Marga, pigilan n’yo ang gutom ninyo. Teka, teka …”

May dalang stunned gun si Herman. At sanay siyang gamitin ito kaya nga kanyang dinala.

“Binaril” niya ang isang napakalaking daga. Nasapol.

 “Binaril” din niya ang isa pang daga na kasinglaki na ng pusa.

Ngayon ay may nahuli na siyang dalawang daga ka-size ng pusa. Mabilis niya itong ibinigay sa dalawang anak.

Pero naging emotional si Herman habang ginagawa niya ito. Diring-diri siya sa mga daga and yet, kaila­ngang dito matakam ang mga anak.

Mas lalo kasing nakakayanig at nakakadiring ang kinakain ng dalawang anak nila ni Marga ay mga laman ng tao at lamang-loob.

Akala mo fried chicken lang ang kinakain ng dalawang bata. Halos mabubulunan ang batang lalaki.

Habang umiiyak  na pinagmamasdan na lang ni Herman iyon. Maya-maya busog na ang dalawang pre-teens na babae at lalaki.

Tumayo ang mga ito. At parang nag-i-exercise lang nang lakad nang lakad. Paikut-ikot lang sa madilim na yungib na may nakakapasok lang na mga munting  liwanag ng full moon. - ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with